Isinagawa nitong unang linggo ng Hulyo ang National Customer Service Week (National CSR Week) sa pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor, mga negosyo, mga corporate foundations upang makatulong sa ekonomiya, sa social at development ng bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Maribeth Marasigan, Chairperson ng Corporate Foundation at President and Chief Operating Officer ng Aboitiz Foundation Inc., sinimulan ang National CSR Week noong 2000 na idineklara sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Layon ng gawain na maipabatid sa publiko ang trabaho ng mga pribadong sektor at kung ano ang kanilang ginagawa upang makatulong sa gobyerno.
Ilan sa mga programang lakip sa gawain ay ang; project ugnayan, feeding program, pagpapatayo ng testing centers at ang pamimigay ng tulong sa mga evacuation centers dahil sa muling pag-aalburuto ng Bulkang Taal.