
Bagama’t hindi maganda ang panahon ngayon ay nakahanda pa rin ang iba’t ibang aktibidad na isasagawa ngayong araw August 21, 2025 kasabay ng pagdiriwang sa Ninoy Aquino Day.
Ito’y upang gunitain ang legasiya ni dating Senator Benigno Aquino.
Mamaya dakong alas-8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ay isasagawa ang wreath-laying ceremony na pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Manila International Airport Authority (MIAA) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Habang, inaasahan naman mamaya ang pagbisita ng ilang kaanak at supporters sa mismong puntod ng dating senador sa Manila Memorial Park.
Sa bahagi naman ng Chino Roces sa may Makati ay inaasahan din ang maiksing programa na ikakasa ng iba’t ibang grupo na sumusuporta sa dating senador.
Si Aquino ay kilalang lider ng oposisyon noong panahon ng Batas Militar.
Matapos ang halos isang dekadang pagkakakulong nagtungo siya sa Estados Unidos upang sumailalim sa operasyon at rehabilitasyon ngunit patuloy na nanindigan para sa pagbabasura ng Martial Law at pagbabalik ng demokrasya sa bansa.
Ang Ninoy Aquino Day na isa ring holiday ay idineklara sa ilalim ng Republic Act 9256.









