Paggunita ng Pasko sa bansa, nananatiling mapayapa

Generally peaceful ang inisyal na paggunita ng Pasko sa buong bansa.

Ayon kay Philippine National Police PIO Chief PCol. Jean Fajarado, wala silang namo-monitor na untoward incident hanggang sa mga oras na ito.

Pero ayon kay Fajardo, hindi sila nagpapakampante at tuloy-tuloy sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa bansa.


Kabilang sa mga tinututukan ng PNP ay ang mga pasyalan, simbahan, pantalan, paliparan, bus terminal at iba pang mga matataong lugar.

Sa ngayon, nakataas sa full alert ang status ng PNP kung saan nasa sapat na bilang ng mga pulis ang ipinakalat sa buong bansa para sa law enforcement operations bilang bahagi ng Ligtas Paskuhan 2023.

Facebook Comments