Paggunita ng Semana Santa, naging mapayapa “World Earth Day” ipinagdiwang ngayon sa Dipolog City

Sa Zamboanga Del Norte, Naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita sa Semana Santa sa buong lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ito ay kahit may mga insidente na naitala gaya ng nangyaring sunog sa Barangay Olingan ng syudad ng Dipolog kung saan tatlong kabahayan ang tinupok ng apoy at ilan pang mga naitalang untowards incidents sa lalawigan.

Ayon sa PNP, maituturing na payapa at maayos sa pangkalahatan ang paggunita sa holy week sa buong lalawigan.


Samantala, kaugnay sa ipinagdiriwang na “World Earth Day” ngayong araw, isang simultaneous clean-up ang isinagawa ng pamahalaang lokal ng syudad ng Dipolog sa pangunguna ni Dipolog City Mayor Darel Dexter T. UY sa mga ilog, coastal areas, sapa o major roads na nagsimula alas 6:30 kaninang umaga.

Ayon kay Uy, isa itong magandang paraan para mapigilan ang mga basura lalo na ang mga plastics na makapasok sa marine ecosystem na nagbibigay sa atin ng mga pagkain at ecological services.

Ang World Earth Day ay may temang “protect our species”.

Facebook Comments