Naging mapayapa at maayos ang kabuuang paggunita ng Undas 2019.
Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ilang araw na pagbabantay sa mga sementeryo, simbahan, mga paliparan, mga bus terminals at mga pantalan.
Sa pagbabantay sinabi ni PNP OIC Lieutenant General Archie Gamboa na may 8 baril ang nakumpiska ng PNP.
Dalawang motorsiklo ang nanakaw sa Central Luzon at may dalawang kaso ng illegal possession of firearms ang nangyari sa Metro Manila at Eastern Visayas.
4,491 naman na mga bawal na gamit katulad ng patalim, inuming nakakalasing, gambling paraphernalia’s at karaoke o videoke machines sa mga sementeryo ang nakumpiska.
Tiniyak naman ni Gamboa na mananatili pa rin sa mga police assistance centers, national highways, public transportation at hubs ang mga pulis para bantayan pa rin ang mga uuwi ngayong linggo mula sa mga probinsya.