
Naging mapayapa ang paggunita ng Undas 2025 sa lungsod ng Maynila, kung saan mahigit 1.3 milyong katao ang bumisita sa mga sementeryo.
Ayon sa MPD, kabuuang 1,385,016 ang dumalaw at nagtungo sa limang pangunahing sementeryo ng lungsod base na rin sa tala ng operasyon ng “Ligtas Undas 2025.”
Pinakamarami ang nagtungo sa Manila North Cemetery na umabot sa 1,195,326, sinundan ng Manila South Cemetery na may 145,860, La Loma Cemetery na may 38,200, Manila Chinese Cemetery na may 5,400, at Paco Park Cemetery na may 230 bisita.
Matatandaang, mahigit 800 pulis at force multipliers ang idineploy sa buong lungsod, habang 21 bus terminal at ang Manila North Port ay binantayan din para sa seguridad ng halos 2,000 biyahero.
Facebook Comments









