Paggunita ng Undas, generally peaceful – PNP

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa buong bansa.

Ito ang overall assessment ng Philippine National Police (PNP) sa ilang araw na pagmo-monitor at pagbibigay ng mahigpit na seguridad sa mga sementeryo at iba pang mga matataong lugar sa buong kaugnay sa paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Vimelee Madrid dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng mga ipinakalat na pulis, mga itinalaga sa mga itinayong mga assistance hubs at mga nagsilbing road safety marshals kaya naging mapayapa ang paggunita ng Undas.
Nagpasalamat rin ang PNP sa naging kooperasyon ng publiko.


Sa kabila naman na naging payapa ang paggunita ng Undas, nakapagtala pa rin ang PNP ng limang insidente may kaugnayan sa Undas ito ay ang dalawang nakawan, isang alarm and scandal, isang direct assault at alleged attempted rape.

Umabot naman sa kabuuang 2, 532 na mga bawal sa sementeryo ang nakumpiska ng PNP, sa bilang na ito 888 ay mga matatalas na bagay, 153 ay inuming nakakalasing, 1290 ay mga flammable materials at 21 ay mga playing cards.

Facebook Comments