Naging maayos at payapa ang paggunita ng Undas 2024 sa buong Metro Manila.
Ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Major General Sidney Hernia.
Giit ni Hernia, isa sa nakita niyang paraan kaya’t walang naitalang anumang hindi inaasahan insidente ay dahil sa maayos na koordinasyon sa pagtatalaga ng mga pulis sa sementeryo, columbaria, transport terminals, at iba pang matataong lugar.
Anag karagdagang police presence ang isa sa mga dahilan kaya’t walang naitalang malaking krimen kung saan pinasasalamatan ng opisyal ang mga LGU, NGO, volunteer group, at sa iba pang sumuporta.
Matapos ang Undas, pinaghahandaan na ng NCRPO ang paglalatag ng seguridad para sa nalalapit na panahon ng Kapaskuhan upang maging payapa at ligtas ang publiko partikular ang mga nakatira sa Metro Manila.