Paggunita sa ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, pangungunahan ni PRRD

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa ika-123 taong anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go.

Ayon kay Go – makakasama ni Pangulong Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez sa wreath laying ceremony sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila sa alas-8:00 ng umaga.


Pagkatapos ng programa, dederetso ang Pangulo sa M’lang National High School sa Cotabato para dalawin ang mga nabiktima ng lindol.

Bukod dito, pupuntahan naman ng Pangulo ang Digos City, Davao del Sur para sa turn-over ng calamity assistance.

Dadalo rin ang Pangulo sa 60th founding anniversary sa Cor Jesu College sa Digos City.

Facebook Comments