Paggunita sa Ninoy Aquino Day, sana’y hindi na ilipat pa sa ibang araw —Senator Bam Aquino

Ikinatuwa ni Senator Bam Aquino ang hindi pagbabago o paglipat ng commemoration ng Ninoy Aquino Day.

Matatandaan noong nakaraang taon nang ilipat sa ibang araw ang pagdiriwang nito para maidikit sa long weekend.

Ayon kay Senator Bam Aquino, August 21 naman namatay si dating Senator Benigno Aquino at hindi ibang araw kung kaya dapat ay hindi ito ilipat sa ibang araw at ibang petsa.

Nagpasalamat din ang senador sa pamahalaan dahil ngayong taon ay hindi ito binago at ginunita sa mismong araw nito.

Samantala, natapos naman na ang pag-aalay ng bulaklak o wreath-laying ceremony kanina pasado alas-8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) departure area ng Terminal 1 na susundan naman ng iba pang programa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments