Paghabol sa mga nananamantala at nagtatago ng supply ng asukal, pinaigting pa ng awtoridad

Mas naging maigting ang kampanya ng Marcos administration laban sa mga nananamantala at nag-iipit ng supply ng asukal sa bansa.

Ito ay matapos ang pinakahuling inspeksyon na isinagawa ng Customs sa isang bodega sa Deparo Road sa Caloocan City kahapon, kung saan natagpuan ang mga smuggled na asukal at bigas.

Ang inspeksyong ito ay matapos matukoy na mayroong mga agricultural product ang nakaimbak sa bodega ng pagmamay-ari ng isang Melissa Chua, at Benito Chua.


Napilitan ang mga tauhan ng Customs na sapilitang pasukin ang warehouse, dahil tumangging makipagtulungan ang mga may-ari at caretaker nito.

Maliban sa toneladang smuggled na bigas at asukal, kinumpiska rin ng Customs ang repacking machines na ginagamit para sa pagri-repack ng imported na asukal at bigas, para magmukhang locally produced ang mga ito.

Noong Sabado, nasa 60,000 bags ng hinihinalang hoarded sugar ang narekober sa isang bodega sa Guiguinto, Bulacan.

Facebook Comments