Naka-focus na raw ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa mga imbestigasyon laban sa mga human traffickers.
Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, tuloy-tuloy daw ang ugnayan nila sa Inter-agency council against trafficking para matunton ang mga miyembro ng trafficking at illegal recruitment syndicates.
Kasabay nito, nagbabala naman si Tansingco sa lahat ng mga empleyado ng BI employees na huwag sumali sa mga illegal practices dahil kapag may napatunayan silang mga employees na sangkot sa trafficking activities ay mas mabigat daw ang parusa laban sa kanila.
Una rito, mayroong naharang ang BI na trafficking victim na nagpanggap na empleyado ng Department of Justice (DOJ).
Lumalabas na noong October 6 lamang ay naharang ng mga BI officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang anim na pasaherong Pilipino na kinabibilangan ng apat na illegal recruitment victims at dalawa nilang couriers na nagpanggap na turista.