UNITED STATES – Muling binuksan ng FBI ang imbestigasyon sa paghack sa private email server ni dating first lady Hillary Clinton.Sinabi ni Justice Department Inspector General Michael E. Horowitz, ang nasabing desisyon ay dahil sa kahilingan ng iba’t-ibang miyembro ng kongreso at ng publiko.Dito, kanilang aalamin kung may katotohanan ang mga alegasyon kung nasunod ba ang polisiya ng justice department o FBI.Itinanggi naman ng White House na kabilang sila sa desisyon sa muling pag-imbestiga sa nasabing usapin.Matatandaan, naging malaking usapin sa halalan ng US ang sinasabing paggamit ni Clinton ng kaniyang email sa private server na sinasabing napasok rin ng mga Russian hackers.
Facebook Comments