Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) na huwag mauwi sa authoritarian tendencies ang paghahabol sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa 2019 Novel Coronavirus Acute Resperatory Disease (nCoV-ARD).
Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia Spokesperson, Commission on Human Rights, nababahala sila dahil nagresulta sa diskriminasyon sa tao at sa ibang lahi ang outbreak ng nCoV.
Aniya, kahit na normal ang matakot sa sakit na kaunti ang nalalamang impormasyon, hindi dapat manaig ang maling pagtrato sa ibang tao.
Hinimok naman ng CHR ang pamahalaang pagtuunan ng pansin ang detection hanggang mitigation ng sakit.
Facebook Comments