Paghahagis ng granada sa bahay ni Cotabato Judge Rasalan kagabi, walang kinalaman sa plebisito – PNP Chief Albayalde

Malaki ang posibilidad na walang kinalaman sa plebisito ang naganap na pagpapasabog sa bahay ni Cotabato City Judge Angelito Rasalan kagabi.

Ito ang Sinabi ni PNP Chief Police Director Gen Oscar Albayalde na naniniwalang personal ang motibo kaya hinagisan ng granada ang bahay ng hukom.

Hindi naman inaalis ng PNP ang motibong kagagawan ng teroristang grupo ang pagpapasabog.


Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng PNP Region 12 sa insidente kahit wala itong kinalaman sa plebisito.

Facebook Comments