Paghahain ng aplikasyon para sa COVID-19 emergency loan, pinalawig pa ng GSIS

Pinalawig pa ng Government Service Insurance System (GSIS) ang paghahain ng aplikasyon para sa COVID-19 Emergency Loan.

Ayon kay GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, itinakda hanggang sa Agosto 12 ang deadline para sa Loan Program Application.

Pinabuti ang loan program sa pamamagitan ng pagdagdag sa loanable amount mula P20,000 hanggang P40,000 para sa borrowers na may existing loan.


Pinagaan din ng GSIS ang anim na buwang paid premium rule at pinababa ito sa tatlong buwan para maging kwalipikado ang mga member sa emergency loan.

Maaaring bayaran ang COVID-19 Emergency Loan sa loob ng tatlong taon kung saan may interes itong anim na porsyento.

Isusumite ang Emergency Loan Application ng GSIS members at pensioners sa nakatalagang email addresses ng branch offices na may sakop sa mga ahensya ng active members at tirahan ng mga pensioner.

Facebook Comments