
Maaantala ang paghahain ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng case referral sa Ombudsman laban sa tatlong dati o kasalukuyang senador.
Ayon kay ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes, sumasalang pa sa kanilang evaluation ang naturang case refferal dahil sa isinumiteng ikalawang supplemental affidavit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo.
Ani Reyes, maaaring umabot ng 10 araw ang delay sa panibagong referral na nakatakda sanang iakyat sa Ombudsman ngayong linggo.
Matatandaang inanunsyo ng ICI na mayroon pa silang rekomendasyon na sampahan ng kaso kabilang na itong tatlo na dati at kasalukuyang Senador na umano’y sangkot sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Facebook Comments









