Paghahain ng certificates of candidacy, dapat nang gawing online ayon sa isang kongresista

Dapat nang gawin online ang paghahain ng Certificates of Candidacy para sa national at local positions sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez dahil hindi pa rin naman nawawala ang panganib na dulot ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Rodriguez na maliliit lamang kasi ang mga opisina ng Comission on Elections (COMELEC) na maaaring maging dahilan pa ng pagkahawa ng virus kapag dinumog ng maraming tao.


Kaugnay nito, sakaling maaprubahan ay isasapubliko naman ang mga inihaing COC sa online upang dito masuri kung kwalipikado ang mga kandidato.

Sa darating na Oktubre gaganapin ang paghahain ng COC para sa mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments