Dagsa ngayong hapon ang mga naghain ng certificate of candidacy (COC) dito sa COMELEC-NCR sa San Juan.
Ngayong hapon ay sampu na ang naghain ng kanilang kandidatura, mas marami ito kumpara sa mga nakalipas na araw kaya asahang hanggang mamayang alas singko ng hapon ay marami pang hahabol na magsusumite ng kanilang COC.
Kabilang sa mga naghain ngayong hapon sina Silverio Raymundo Garing na kumakandidatong kongresista ng Muntinlupa City, Johram Alama ng Caloocan 1st District, Noe Largo Manila ng Taguig City 2nd District habang si Representative Irwin Tieng ay re-electionist naman ng 5th District Manila kung saan kinatawan niya ang naghain ng kanyang coc na si Barangay Kagawad Rowena Cruz.
Magkakasunod namang naghain din ng kanilang COC sina reelectionist Parañaque 2nd District Representative Gus Tambunting, si Parañaque Mayor Eric Olivares na tatakbong kinatawan ng 1st District Parañaque, at nagbabalik naman sa Kongreso si dating Cong. Miro Quimbo sa 2nd District ng Marikina.
Naghain na rin ng COC para sa reelection si Pasay City Representative Antonino Calixto habang nagbabalik naman at naghain na ng kandidatura si Amado Bagatsing bilang kinatawan ng 5th District ng Maynila.