Paghahain ng COC ni Pangulong Duterte, pinaghahandaan na ng Presidential Security Group

Naghahanda na ang Presidential Security Group (PSG) sa posibleng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG commander Colonel Randolph Cabangbang, wala pang abiso kung kailan maghahain ng COC ang pangulo para sa pagtakbo nito sa pagkabise-presidente sa susunod na eleksyon.

Pero gayunman, nagpulong na ang PSG at Commission on Elections (Comelec) para maplantsa ang seguridad sa COC filing ng pangulo.


Mananatili namang presidente ng bansa si Pangulong Duterte at may mandato ang PSG na bigyan siya ng seguridad at tiyakin ang kaniyang kaligtasan.

Facebook Comments