Paghahain ng COCs Sa Manila Hotel, umarangkada na

Alas-8:14 ng umaga ng buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Kaugnay niyan, unang-una sa naghain ng kaniyang COC ay si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee na tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko.

Sumunod sa kaniya ay Ako OFW Party-list at isa pang party-list.


Sa kabila naman ng daming hakot ng supporters, ipinagbawal ang pagpasok ng maraming bilang ng mga taga-suporta ng mga nagnanais tumakbo sa Eleksyon 2025.

Sa abiso ng COMELEC, hanggang apat lamang ang puwedeng isama ng isang senator aspirant sa paghahain ng COC.

Para naman sa party-list, apat din lamang ang puwedeng sumama sa opisyal na kinatawan ng organisasyon sa pagsusumite ng CON-CAN o Certificate of Nomination and Acceptance of Nomination.

Ang mga isusumiteng dokumento ng mga aspirante at party-list group ay tatanggapin ng COMELEC Law Department habang ang Office of the Clerk of Commission ang tatanggap ng kopya ng CON-CAN.

Facebook Comments