Mariing kinondena ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang genocidal attacks ng Israel laban sa Palestinians.
Pangunahing pinuna ni Brosas ang airstrikes sa Al-Ahli Arab Hospital sa Gaza Strip na nagresulta sa pagkamatay ng 500 indibidwal kabilang ang mga bata.
Bunsod nito ay iginiit ni Brosas kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang paghahain ng diplomatic protest laban sa Israel.
Giit ni Brosas, mali na suportahan ni Pangulong Marcos ang Israel sa panahon na libu libong Palestinians ang pinapatay at pinapalayas sa kanilang lupain.
Diin pa ni Brosas, dapat kondenahin ng international community ang karahasang pinangungunahan ng Israeli Defense Forces na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law.