Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Bureau of InternalRevenue ang mga tax payer na hanggang April 17 na lamang sila pwedeng maghainng kanilang Income Tax Return (ITR).
Sa interview ng RMN kay BIR Commissioner Cesar Dulay –ipinaliwanag nito na batay sa ipinalabas na revenue memorandum, iniurong angpetsa ng paghahain dahil nataon sa black Saturday ang actual deadline na April 15.
Ayon sa commissioner – walang extension ang deadline atpapatawan na ng penalties ang magpa-file ng lagpas sa itinakdang deadline.
Anya – mahalagang tumupad sa tungkulin ng pagbabayad ngbuwis dahil
80-porsyento ng kita ng gobyerno ay nanggaling sanakokolektang tax.
Kumpiyansa din ang BIR na maabot nila ang p1.829 trillioncollection goal para sa taong ito.
Samantala – plano din ng ahensya na magdagdag ng tauhanpara mapaigting pa ang kanilang tax collections.
Paghahain ng ITR, hanggang April na lamang ayon sa BIR
Facebook Comments