Muling naudlot ang paghahain ng Department of Justice (DOJ) ng kasong murder laban kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.
Kaugnay ito ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo at sa siyam na iba pa.
Sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na may mga bago pa kasi silang nakalap na impormasyon.
Bunga nito, posibleng sa Miyerkules na tuluyang maisampa ang kaso laban kay Teves at sa iba pang mga suspek.
Nilinaw naman ni Remulla na hindi pa lusot sa kaso si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves kaugnay ng Degamo killing.
10 murder cases ang nakatakdang ihain ng DOJ laban kay Teves.
Facebook Comments