Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nananatiling suspendido ang filing o paghahain ng pleadings sa DOJ.
Kaugnay nito, maglalabas ang DOJ ng panibagong department circular kaugnay sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan.
Sa circular na ilalabas ng DOJ bukas, kasama ang guidelines para sa filing ng pleadings at iba pang mahahalagang bagay o transaksyon na kailangang tugunan ng DOJ.
Bukod dito, ang circular ay para sa uniform application sa National Prosecution Service (NPS).
Sa ngayon, kalahati o 50% ng workforce lamang ng DOJ ang pinapayagang pumasok habang ang kalahati ay work from home pa rin.
Facebook Comments