Pinag-aaralan pa ng Office of the Solicitor General (OSG) ang posibilidad ng paghahain ng quo warranto case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa pagbisita ni Solicitor General Menardo Guevarra sa Senado para sa isang pulong, sinabi niyang kasalukuyan pa silang nangangalap ng mga ebidensya mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Masyado pa aniyang maaga para sabihin na may sapat na basehan para maghain na ng quo warranto petition laban sa alkalde.
Inaalam pa nila kung quo warranto petition o ibang ligal na aksyon ang kanilang gagawin laban kay Mayor Guo.
Kabilang sa mga sinusuring ebidensya ay ang mga testimonya na ibinigay ni Guo sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality dahil public records naman ang mga ito.