Paghahain ng reklamo sa Ethics Committee vs Sen. Cayetano, pinag-aaralan ng kampo ni Sen. Binay

Pinag-aaralan na ni Senator Nancy Binay ang paghahain ng reklamo laban kay Senator Alan Peter Cayetano sa Senate Committee on Ethics.

Kaugnay na rin ito sa nangyari kahapon sa pagdinig ng Senado na kung saan nagsagutan ang dalawang senador tungkol sa halaga ng New Senate Building (NSB) na kalaunan ay nauwi sa pagwo-walkout ni Binay.

Ayon kay Binay, kokonsulta muna siya sa kanyang staff kung anong kaukulang aksyon ang dapat na gawin sa nangyari sa pagitan nila ni Cayetano.


Pag-aaralan din muna ng kanyang legal team ang mga nangyari at saka sila magdedesisyon kung maghahain ng reklamo laban kay Cayetano.

Kung matatandaan kahapon ay hindi pinatatapos ni Cayetano si Binay sa kanyang mga paliwanag hinggil sa NSB at tinawag niya pa si Binay na “Marites” at “buang”.

Facebook Comments