Paghahain ng SOCE para sa mga nanalong kandidato sa kakatapos lang na 2022 National at Local elections, pinalawig ng COMELEC

Pinalawig ng Commission on Election o COMELEC ang paghahain ng mga Statements of Contribution and Expenditures (SOCE) para sa mga nanalong kandidato sa kakatapos lang na 2022 National at Local elections.

Ayon kay COMELEC Education and Information Department (EID) Director James Jimenez, ang Resolution No. 10505 ng poll body ay nagpapahintulot sa mga nanalong kandidato na magpasa ng kanilang mga SOCE sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng proklamasyon o hanggang Nobyembre ngayong taon.

Kaugnay nito, sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni COMELEC acting Finance Director Efraim Bag-id na obligasyon ng mga kandidato ang magsumite ng kanilang SOCE, nanalo man o natalo at kung hindi sila makakapagpasa ay may kaukulang parusa silang kakaharapin.


Samantala, nilinaw ng COMELEC na ang deadline para sa paghahain ng SOCE sa mga natalong kandidato ay hindi na pinalawig pa.

Facebook Comments