Malaking tulong umano ang unti-unting paghahakot ng mga basura sa bahagi ng dumpsite sa Bonuan Gueset, Dagupan City ayon sa ilang residente.
Ani ng ilang residenteng malapit na dumpsite, mainam umano ang tuloy-tuloy na pagtatanggal na ng mga basura malapit sa kanilang lugar upang tuluyan na itong mawala at maging mas ligtas para sa mga bata at matatanda.
Kung tutuusin, nabawasan na umano ang bundok ng mga basura sa lugar kung ikukumpara noon.
Ayon din sa ilang nagnenegosyo ng shed, mainam rin itong hakbang upang mas dumami pa ang bibisita sa Tondaligan beach dahil mas maaliwalas na ang kanilang madadatnan.
Sa ngayon, patuloy ang paghahakot ng mga basura sa dumpsite at patuloy na nasa ilalim ng monitoring ng lokal na pamahalaan.
Umaasa rin ang ilang residente na tuluyan na rin na maipasasara ang naturang dumpsite. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









