Paghahalughog sa KOJC compound, nasa 50% pa lang – PNP

Makalipas ang anim na araw na operasyon nasa 40 hanggang 50 percent pa lang ang nahahalughog na lugar ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, masyado kasing malaki ang KOJC compound na pinagtataguan ng puganteng si Pastor Apollo Quibuloy.

Nasa 30 hektarya kasi ang laki ng KOJC compound at mayroon pang underground facilities.


Sa ngayon ani Fajardo ay nagpapatuloy ang pag-iinspeksyon nila sa mga istraktura kung saan mayroon silang nade-detect na sign of human life.

Nananatili namang kumpyansa ang PNP na nasa loob pa rin ng KOJC compound si Quibuloy at mga kapwa akusado nito.

Facebook Comments