PAGHAHANAP NAGPAPATULOY │Galaw ng CPP-NPA-NDF consultants, mino-monitor ng militar

Manila, Philippines – Tinutukoy na ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang galaw at kinaroroonan ng mga Communist Party of the Philippine, New People’s Army, National Democratic Front ( CPP NPA NDF) consultants para maaresto.

Ito ay dahil kanselado na ngayon ang safe conduct pass na hawak ng mga CPP-NPA-NDF consultants matapos na pormal ng tinapos ni Pangulong Rodrido Duterte ang peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo, sa ngayon hindi pa nilang maaring basta arestuhin ang mga consultants dahil kailangan pa raw nila ng official order mula sa higher office.


Habang wala pang official order patuloy ang kanilang paghahanap at pag-monitor sa mga ito.

Ilan sa kilalang CPP NPA NDF consultants ay ang mag-asawang Benito Tiamzon.

Facebook Comments