Marawi City – Inihayag ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa mga trabahong gagawin ng Joint Trask Force Ranao ay ang pagtatanggal ng mga Improvised Explosive Devices at ang pangangalap ng mga cadavers o mga bangkay ng mga tao sa loob ng battle ground.
Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na puspusan ngayon ang ginagawang clearing operations ng mga sundalo sa Marawi City para matanggal ang lahat ng mga IED para maiwasan na makasugat pa ito sa oras na papasukin na ang mga residente sa loob ng lungsod.
Hindi pa rin naman aniya tapos ang gathering ng mga bangkay na posibleng nasa ilang lugar sa lungsod matapos ang 5 buwang bakbakan.
Ang lokal na pamahalaan naman aniya ang nagsasagawa ng cleanup operations sa mga barangay na malayo sa main battle area.