CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) Field Office 2 ang Gawad Saka Awards ngayong taong 2025.
Ang nasabing awards ay ang pinakanatatangi at pinakamataas na parangal na ibinibigay ng ahensya sa mga magsasaka at mangingisda
Sa isang panayam, ibinahagi ni Institutional Development Unit Chief Shiela Marie Orpilla, na kasalukuyan ang kanilang paghahanap ng mga nominees para sa regional level ng nasabing parangal.
Ibinahagi rin nito na sa darating na ika-27 ngayong buwan ay ang deadline para sa pagsusumite ng nominees sa naturang parangal para sa national level.
Samantala, huli itong isinagawa ng ahensya noong Disyembre 2019 via online platform makaraang harapin ng bansa ang isang pandemya.
Facebook Comments