Paghahanap ng pinakaepektibong bakuna laban sa COVID-19, mapapabilis sa tulong ng WHO Solidarity Trial – DOST

Tiwala ang Department of Science and Technology (DOST) na magkakaroon ng positibong resulta ang gagawing Solidarity Vaccine Trials ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, ang gagawing Solidarity Vaccines Trials ay makakatulong sa paghahanap ng mas epektibong COVID-19 vaccine para sa mga Pilipino pagdating sa bilang ng doses, naibibigay na proteksyon, local distribution at manufacturing sa bansa.

Ang WHO ay nagbigay na ng final clinical trial protocol, standard operating procedures at apat na investigational brochures na bakunang aaralin sa trial.


Dagdag pa ni Guevarra, ang Solidarity Vaccine Team ay nagsumite na rin sa Vaccines Experts Panel ng requirements para sa evaluation.

Sa ngayon, hindi pa maaaring sabihin ng DOST kung ano ang mga bakunang gagamitin sa Solidarity Vaccines Trial.

Facebook Comments