Nanawagan sa gobyerno ang Department of Budget of Management (DBM) kaugnay sa paghahanap ng pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) ng frontliners.
Kasunod ito ng banta ng mga unyon ng health workers na magbibitiw sila sa trabaho kung patuloy na maaantala ang pagbibigay ng SRA, na pinondohan na noon sa Bayanihan 1 at 2.
Ayon kay DBM OIC Undersecretary Tina Rose Canda, hindi basta-basta mapopondohan ang SRA kung walang umiiral na batas.
Una nang inabot ng June 30 deadline ang Bayanihan Law pero hindi nabigyan ng SRA ang lahat ng health care workers.
Ang hindi naipamigay na pondo ay naisoli na ng Department of Health (DOH) sa DBM.
Pero giit ni Senator Sonny Angara, puwede pa itong habulin dahil nasa national emergency status pa rin ang bansa.
Facebook Comments