Paghahanap ng solusyon sa mataas na singil sa kuryente, tututukan ng Kamara ngayong 2025

Ang binuong House Murang Pagkain SuperCommittee o QuintaComm ay magiging Murang Kuryente Supercommittee na.

Ayon kay QuintaComm Overall Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ito ay dahil tututukan nila ngayong 2025 ang paghahanap ng solusyon sa mataas na singil sa presyo ng kuryente.

Sabi ni salceda, alinsunod ito sa atas ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tutukan ang sobrang taas na presyo ng kuryente sa bansa.


Binanggit ni Salceda na kasamang bubusisiin ng komite ang findings ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ₱206-billion na ginastos ng walang pahintulot noong 2016 hanggang 2020 ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Binanggit ni Salceda na bukod dito ay iniutos din ni Romualdez na pag-aralan ang windfall taxes sa labis na kita ng power sector participants na maaaring ilaan para sa customer refunds at Pantawid Kuryente.

Facebook Comments