Paghahanap sa 6 na nawawalang crew ng lumubog na bangka sa Davao Oriental, itinigil na ng PCG

Itinigil na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations o paghahanap sa anim pang nawawalang crew ng lumubog na bangka sa Baganga, Davao Oriental.

Sa imbestigasyon, sinabi ng isang nailigtas na crew na posibleng na-trap sa loob ng FB Genesis 2 ang mga nawawala.

Nabatid na pitong araw nang isinisagawa ang search and rescue ops pero hindi pa rin nila makita ang anim na tauhan.


Lumubog ang nasabing bangka, 182 nautical miles mula sa Baganga, Davao Oriental na tinatayang may 5,000 talampakang lalim.

Gayunpaman, magpapatuloy ang PCG sa pag-aalerto sa mga sasakyang pandagat para sa posibleng kinaroroonan ng anim na nawawalang crew.

Facebook Comments