Muling aarangkada ang “Oplan Tabang – COVID-19 Response” ng RMN Networks Inc., RMN Foundations Inc. at DZXL 558 Radyo Trabaho.
Kaugnay ito sa selebrasyon ng ika-68 anibersaryo ng Radio Mindanao Network at ika-8 anibersaryo ng RMN Foundations Inc.
Magsisimula ito ngayong Lunes, August 24 hanggang sa Miyerkules, August 26.
68 beneficiaries ang maswerteng makakatanggap ng special package mula sa iba’t ibang hanay ng mga manggagawa at commuters na hahanapin ng grupo sa buong Metro Manila.
Laman ng special package ang coupon na ira-raffle sa August 28 para sa tyansang manalo ng bisekleta na siyang bahagi ng 2nd year anniversary ng Radyo Trabaho.
Samantala, iikot na ang dalawang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Katuwang sa proyektong ito ang Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corp., makers of Shield bath soap at Unique toothpaste.