
Muling ipinagpapatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa batang nahulog sa Tullahan River sa Brgy. Tinajeros, Malabon City kahapon.
Ang nasabing bata ay nasa walong taong gulang kung saan kwento ng kaanak nito, naglalaro siya malapit sa gutter ng ilog nang mawalan ng balanse at nahulog.
Dahil sa lakas ng agos ng tubig sa Tullahan River ay inanod ang bata at hindi na nakita pa.
Mula pa kahapon ay nagsagawa ng search operation ang PCG katuwang ang barangay pero pansamantalang itinigil ang paghahanap kagabi.
Ito’y dahil sa panganib sa mga rescuer lalo na’t madilim at lalo pang lumakas ang agos ng tubig sa ilog.
Nabatid na malalim ang tubig sa Tullahan River at malawaka saka mahaba rin ang ilog na mula Quezon City, Malabon at Valenzuela kung saan nilagyan na ito ng riverwall at harang upang hindi na makalapit ang mga residente lalo na ang mga bata.










