Ginagawa ng Philippine National Police (PNP) ang lahat para matagpuan ang mga nawawalang sabungero.
Siniguro ito ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa pamilya ng mga nawawalang sabungero na patuloy na humihingi ng tulong.
Ayon kay PNP chief, alam niya ang pag-aalala ng mga pamilyang may nawawalang mahal sa buhay kaya puspusan na ang kanilang paghahanap sa may mga pakana ng pagkawala ng mga ito para mahuli.
Sa ngayon aniya, may mga pahayag nang nakuha ang PNP mula sa mga testigo at mga ebidensya na maaaring ibigay sa National Bureau of Investigation (NBI).
Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief na handa silang humarap sa Senado para sa gagawing imbestigasyon.
Facebook Comments