Paghahanap sa mga suspek sa Jolo bombing, “back to scratch”

Back to zero ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga suspek sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ito ay matapos lumutang at idepensa ang kanilang sariling ng apat na unang itinuring person of interest.

Ayon kay Sulu Provincial Police Office Director Senior Superintendent Pablo Labra, walang kinalaman sa Ajang-Ajang ang apat.


Gayunman, hindi naman aniya sila nalilihis sa orihinal nilang teorya hinggil sa pagsabog.

Sabi naman ni Superintendent Kris Conrad Gutierrez, tagapagsalita ng Sulu Provincial Office, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na suicide bombing ang nangyari lalo at naganap ito sa madaming tao na hindi pwedeng basta-basta pag-iwanan ng gamit.

Facebook Comments