Paghahanap sa mga taong posibleng tumulong kay Davao Death Squad leader SPO3 Arthur Lascañas na makalabas ng bansa – iniutos na ng DOJ sa NBI

Manila, Philippines – Ipinag-utos na rin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ang paghahanap sa mga taong posibleng tumulong kay SPO3 Arthur Lascañas na makalabas ng bansa.

Ayon kay Aguirre – sakaling makilala ay posible ring masampahan ang mga ito ng kasong obstruction of justice.

Una nang ipinag-utos ni Aguirre sa NBI na makipag-ugnayan sa International Police Organization (Interpol) para matukoy kung nasaan ngayon si Lascañas.


June 5 nang maglabas ng warrant of arrest si Judge Retrina Fuentes ng Davao City RTC branch 10 laban kay Lascañas dahil sa mga kasong frustrated murder at murder kaugnay ng umano’y plano nitong pagpatay sa radio broadcaster na si Jun Pala.

Una nang inamin ni Lascañas sa pagdinig ng Senado ang partisipasyon nito sa krimen na aniya’y base sa utos ni Pangulong Duterte.
April 8 naman ng magtungong Singapore si Lascañas dahil sa aniya’y banta sa seguridad pero hanggang ngayon ay wala pang ulat na nakabalik na ito ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments