Suspendido pa rin ang search and rescue operation ng Japan Coast Guard sa 40-nawawalang seafarers na kinabibilangan ng mga Pinoy makaraang lumubog ang kanilang barko sa East China Sea.
Ang mga tripulante ay kinabibilangan ng 39 na Pinoy, dalawang New Zealand National at dalawang Australian.
Sa interview ng RMN Manila kay Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, sa ngayon ay tatlong Pinoy pa lang ang na-rescue ng Japan Coast Guard kung saan ang isa rito ay natagpuang patay na.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung kailan magbabalik ang paghahanap sa mga tripulante ng Gulf livestock 1 dahil sa masamang panahon sa Japan bunsod ng bagyong Haishen.
Naglalayag sa karagatan ang gulf livestock 1 nang makaranas ng sama ng panahon.
Facebook Comments