Bohol, Philippines – Nagpapatuloy ang search and retrieval operation ng otoridad sa nawawalang katawan ni Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel.
Si Boniel ay dinukot at pinapatay saka itinapon ang katawan sa dagat ng kanyang mister na suspek na si Bohol Provincial Board member Niño Rey Boniel.
Ayon kay Central Visayas Police Director, Chief Supt. Noli Taliño – kailangan nila ng dagdag na technical divers at air tanks para sa paghahanap sa katawan ng alkalde.
Kwento aniya ni Riolito Boniel, pinsan ng board member – nakasama pa nito ang mag-asawa kung saan isinakay ng suspek sa kanyang bangka ang walang malay na alkalde bago pumalaot.
Nang magkamalay ang alkalde, nag-usap pa ang mag-asawa pero maya-maya ay binaril na ito.
Sinabi ni Taliño – binayaran si Riolito ng 10,000 pesos para hindi magsumbong.
Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang suspek pero naikwento nito sa interogasyon na matagal na silang may alitan ng asawa tungkol sa pera.
Sa ngayon, patuloy na ginagalugad ng mga otoridad ang karagatan ng Engaño sa Mactan.
DZXL558