Paghahanap sa nawawalang helicopter ambulance sa Palawan, pansamantalang itinigil

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pansamantalang itinigil ang search and rescue operations sa nawawalang helicopter ambulance sa Palawan.

Ayon sa CAAP, hinihintay muna kasi ng rescuers ang pagdating ng equipments na makatutulong sa pag-detect ng kinaroroonan ng chopper.

Una nang humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Pilipinas sa Guam para sa technical assistance.


Gayunman, walang available na equipment na maipapahiram ang Guam kaya pinayuhan nito ang Philippine authorities na dumulog muna sa US Embassy.

Sa ngayon, gumagamit muna ang Palawan Local Government Unit ng kanilang drones para sa surface search.

Bukas, araw ng Martes ay inaasahang magpapatuloy ang search and rescue operations sa helicopter ambulance na nawawala simula pa nitong March 1.

Facebook Comments