PAGHAHANDA | 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, muling isasagawa ngayon araw

Muling aarangkada ang gagawing 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense (OCD) mamayang hapon, paghahanda para sa inaasahang pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o The Big One sa bansa.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council O NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas alas-2:00 ng hapon mamaya sisimulan at isasagawa ang Simultaneous Earthquake Drill sa buong bansa.

Gagawin aniya ang ceremonial venue sa CALABARZON partikular sa Barangay Sta. Ana San Mateo Rizal, sa Region 1 gagawin ang Earthquake drill sa San Carlos City Pangasinan, sa Region 2 sa Isabela National High School, San Vicente Ilagan Isabela, sa Region 3 sa Baler Aurora, sa MIMAROPA, sa Barangay Cabacao Abra de Ilog Occidental Mindoro.


Sa Region 5 gagawin sa Iriga City Camarines Sur, sa Region 6 sa New Government Center Bacolod City Negros Occidental, sa Region 7 sa Mactan Newtown sa Lapu- Lapu City Cebu, sa Region 8 gagawin sa Eastern Visayas Regional Medical Center Cabaluan Tacloban City.

Gagawin naman ang drill sa region 9 sa Zamboanga Sibugay National High School Ipil Zamboanga Sibugay Province, sa region 10 sa Tubod Lanao del Norte, sa Region 11 sa Mati City Davao Oriental, sa Region 12 sa munisipyo ng Carmen, sa ARMM sa South Upi Maguindanao, sa CARAGA sa Adella Serra TY Medical Memorial Hospital Tandag Surigao del Sur.

Sa NCR naman gagawin sa Philippine School for the Deaf and Blind sa Pasay City habang sa CAR gagawin sa Benguet National High School.

Payo ni Posadas sa publiko seryosohin ang pagsasanay na ito dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa panahong tumama ang The Big One sa bansa.

Facebook Comments