PAGHAHANDA | AFP, naka red alert na para magbigay ng seguridad para sa undas

Manila, Philippines – Nasa red alert status na ngayon ang Armed Forces of the Philippines bilang paghahanda sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad para sa paggunita ng undas.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, iniutos na ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. sa lahat ng military units ang mas maigting na intelligence monitoring at security operations upang hindi malusutan ng mga masasamang loob.

Nanatili naman aniyang nasa standby alert ang mga AFP Major Services upang magsilbing augmentation force para sa security deployments.


Mas marami aniyang presensya ng sundalo sa mga checkpoints at maglalagay sila ng mga k9 units at Explosive Ordnance Disposal teams sa mga malalaking sementeryo.

Patuloy rin aniya silang nakikipag ugnayan sa Philippine National Police upang magkaroon ng mas maayos na paglalatag ng seguridad ngayong undas.

Facebook Comments