Paghahanda at long term solutions, panawagan ng isang kongresista sa harap na patuloy pagbaba sa level ng Angat Dam

Hiniling ni Valenzuela City 2nd District Representative Eric Martinez sa pamahalaan at lahat ng stakeholders na lubos na paghandaan at maglatag ng pangmatagalang solusyon sa nakaambang krisis sa tubig.

Panawagan ito ni Martinez sa harap ng pagbaba sa lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang nagsusuplay sa 90% ng kailangang tubig ng buong Metro Manila.

Para kay Martinez, ang sitwasyon ngayon sa Angat Dam ay maituturing na wakeup call para sa agarang tugon at komprehensibong estratehiya laban sa epekto ng El Niño Phenomenon.


Babala ni Martinez, tiyak magkakaroon ng epekto sa ekonomiya at sa buong bansa kung mawawalan ng sapat na suplay ng tubig ang buong National Capital Region.

Bunsod nito ay iginiit din ni Martinez ang pangangailangan na magtipid ang lahat sa tubig, at maghanap ng iba pang mapagkukunan ng tubig.

Facebook Comments