Paghahanda at pagsasanay sa mga guro sa ilalim ng bagong K to 10 curriculum, pinatitiyak ng isang senador

Pinatututukan ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa Teacher Education Council (TEC) ang paghahanda at pagsasanay sa mga guro para sa bagong “MATATAG” K to 10 curriculum.

Ayon kay Gatchalian, bukod sa paghahanda sa mga mag-aaral, ang mga guro ang may pinakamahalagang papel sa pagkatuto ng mga kabataan, kaya naman kailangang matiyak na ang kanilang edukasyon at pagsasanay ay akma at tugma sa mga dapat na ituro sa ilalim ng bagong curriculum.

Bilang paghahanda sa rollout ng bagong K to 10 curriculum, pinakikilos ni Gatchalian ang National Educators’ Academy of the Philippines (NEAP) na simulan ang paghahanda sa mga guro sa gitna ng pre-service teacher education.


Ang TEC naman ay may mandato sa ilalim ng Excellence in Teacher Education Act na magtakda ng basic requirements para sa teacher education program at pag-uugnay mula sa pre-service sa in-service teacher education.

Samantala, umaasa si Gatchalian na may makikitang improvement sa performance ng mga magaaral sa ilalim ng bagong K to 10 curriculum partikular na sa literacy at numeracy.

Facebook Comments