PAGHAHANDA | BFP, PNP – ininspeksyon ang ilang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan

Bocaue, Bulacan – Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon inspeksiyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) sa ilang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Kabilang sa mga tiningnan ng mga awtoridad ay kung sumusunod ba sa safety measures ang mga tindahan.

Inalam din nila kung may fire extinguisher, buhangin at tubig ang mga tindahan na maaaring magamit sa pag-apula sa sunog sakaling mangyari ito.


Nilinaw naman ni BFP Chief Director Leonard Bañago na hindi ipinagbabawal ang pagbebenta ng paputok kundi nire-regulate o pinangangasiwaan lang.

Alinsunod ito sa Executive Order no. 28 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na layong ayusin ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok.

Nakapaloob rin rito na hinihikayat ang mga pamahalaang lokal na magtalaga ng lugar sa kanilang mga komunidad kung saan maaaring magpaputok nang sama-sama ang mga residente.

Facebook Comments